Synopsis
Ang Santo Niño sa Kultura at Kasaysayan ng Pilipinas ay tumatalakay sa pangkasaysayan, panlipunan, at pangkulturang kontribusyon ng pamimintuho o debosyon ng mga Pilipino sa Batang Hesus.
Ang pagdating ng ekspedisyong Magellan-Elcano sa Cebu noong 1521 at ang paghahandog ng imahen ng Santo Niño kay Reyna Juana ay mahahalagang kaganapan sa kasaysayan na nagsilbing ningas sa paglaganap ng debosyon sa Batang Hesus sa buong kapuluan. Ito rin ang naging daan kung kaya’t magpahanggang ngayon, ang Pilipinas ang isa sa mga pinakamalalaking populasyon ng Katoliko sa buong mundo. Bagama’t sari-sari ang mga kapistahan para sa Santo Niño sa buong Pilipinas, nananatiling sentro nito ang isla ng Cebu sa kanilang Sinulog Festival.
Sa pagtatala ng mga kaugalian at tradisyong kaugnay ng Santo Niño, kinikilala ng dokumentaryong ito ang malaking impluwensya ng Kristiyanismo sa kasaysayang pambansa.